-- Advertisements --

Nagpahayag ng kumpyansa si BioNTech co-founder Ugur Sahin sa bakuna na gawa ng kanilang kumpanya katuwang ang Pfizer na kaya nitong labanan ang Indian variant ng coronavirus.

Ayon kay Sahin, kasalukuyang sumasailalim sa pagsusuri ang Indian variant. Tiniyak naman nito na tapos nang suriin ang mutations ng nasabing variant at sigurado na tatalab ang bakuna nila laban dito.

“The vaccine is cleverly built and I’m convinced the bulwark will hold. And if we have to strengthen the bulwark again, then we will do it, that I’m not worried about,” dagdag nito.

Humaharap ngayon ang India sa muling pagsirit ng COVID-19 cases at deaths, marami rin ang natatakot na maaaring magdulot ng panibagong problema ang Indian variant ng nakamamatay na virus.

Magugunitang kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na ang B.1.617 variant ng COVID-19 ay unang natagpuan sa India at ngayon ay kumalat na sa halos 17 bansa.

Una nang inilista ng health agency ang B.1.617 bilang “variant of interest,” subalit ngayon ay tumigil ang WHO na ideklara ito bilang “variant of concern.”

Ibig sabihin lang nito ay may posibilidad na mas delikado ang naturang variant kumpara sa orihinal na version ng virus.

Posible raw kasi na mas nakakahawa at nakamamatay ito. Hindi rin daw imposible na hindi tumalab dito ang mga dinevelop na gamot.