-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng Biotech group na Biocad ang pagsagawa ng COVID-19 vaccine sa China na ginawa ng Vector state virology institute ng Russia.
Posible kasi sa kalagitnaan ng Agosto ay papasok na sa clinical trials ang bakuna na naka-base sa vesicular stomatitis virus (VSV).
Ayon kay Biocad chief executive Dmitry Morozov na isa sa anim na prototypes na bakuna ang ginawang ito ng Vector Institute na nakalista sa World Health Organization (WHO).
Target ng kompaniya na makagawa ng 4-5 million na doses kada buwan ng VSV-based vaccine.