Hinihintay na lamang na pirmahan ni US President Donald Trump ang kapapasa lamang na Bipartisan Humanitarian Aid Bill na gagamitin bilang emergency fun para sa kinakaharap na humanitarian crisis sa US-Mexico border.
Mainit ang naging diskusyoon ng mga mambabatas sa nasabing panukala matapos sabihin ng Customs and Border Protection na maaaring maubos ang pera sa pag-aalaga ng mga migranteng pamilya.
Pinuri naman ni Trump ang US Congress dahil sa pagpasa nito sa emergency funds at siniguradong isusunod sa diskusyon ang pagsasa-ayos sa mga asylum na pansamantalang tinutuluyan ng mga illegal immigrants sa Estados Unidos.
Binigyan din ni Trump ng dalawang linggong palugit ang mga mambabatas na plantsahin ang mga dapat pang isaayos na tulong para sa mga illegal immigrants bilang kapalit ng tuluyang paghinto ng Immigration and Customs Enforcement sa paghuli sa mga undocumented migrants sa naturang bansa.