Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto na mahihirapan na makaabot ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs ang kanliang 2024 target collections.
Ito ay kahit na tumaas ang collections ng nabanggit na ahensiya sa loob ng siyam na buwan mula Enero hanggang Setyembre.
Sa kaniyang datos ay tumaas ng 12.14 percent o katumbas ng P2.08 trillion ang unang siyam na buwan na collections ng BIR kung saan naabot na nito ang 62 percent ng kaniyang target ngayong taon.
Habang ang BOC ay mayroong pagtaas ng 4.61 percent o katumbas na P690.84-B ang nakulekta ng nasabing opisina mula Enero hanggang Setyembre.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng kalihim na mahihirapan ang dalawang ahensiya na maabot ang kanilang target ay dahil wala ng bagong tax measures na ipapatupad ang gobyerno.