Inatasan ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang pangunahing revenue generating agencies na Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Bureau of Customs (BOC) para palakasin ang kanialng cybercrime measures laban sa hacking at iba pang cyber threats sa gitna ng pagdami ng bilang ng mga scams online target ang mga financial consumers.
Sa pagpupulong ng Department of Finance (DOF) Executive Committee (Execom), inalala ni Dominguez na ang nangyaring hacking incident kamakailan lamang sangkot ang mga accounts sa BDO Unibank at Union Bank of the Philippines (UnionBank) at ang reklamo ng ilang mga guro na nawalan ng pera mula sa kanilang accounts sa Land Bank of the Philippines bilang katibayan ng tumataas na insidente ng cyber attcks kasabay ng pagdami ng mga Pilipinong gumagamit ng online transactions upang makaiwas sa face to face interactions sa pandemiya.
Tiniyak naman ni Finance Undersecretary Antonette Tionko na siyang head ng Revenue operations group ng DOF na saklaw ng nagpapatuloy na digitalization at modernization programs ng BIR at BOC ang cybersecurity.
Nauna ng naglabas ng statement ang LandBank at naninindigang secured ang kanilang sistema aban sa anumang uri ng hacking at lumalabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na nabiktima ang mga guro ng Phishing scheme.