-- Advertisements --

Pumirma ng kasunduan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Philippine Chamber of Commerce and Industry para mas gumanda ang pangungulekta ng mga buwis.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr na ang partnership ay para payagan ang grupo na ipunin ang mga data at suhestiyons mula sa kanilang miyembro na maaaring ibahagi sa BIR.

Matutulungan din ng BIR ang grupo kung paano gumagana ang bagong polisiya sa pagbubuwis.

Dagdag pa ni Lumagui na sa nasabing kasunduan ay magkakaroon ng regular na pagpupulong kung saan magbibigay sila ng mga suhestiyon kung paano magtatagumpay ang tax collections.