-- Advertisements --

Sinisilip ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga hindi nabayarang buwis ng social media platform na Lyka.

Sinabi BiR Commissioner Arnel Guballa na kahit na rehistrado ang Lyka sa kanilang district office (RDO) 39 sa Quezon City ay hindi pa rin sila nagbabayad ng buwis.

Dagdag pa nito na kaniyang pinangunahan ang nasabing imbestigasyon.

Maaaring nagkaroon lamang ng kulang na pagbabayad ng buwis ang nasabing Lyka.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay ipinag-utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtigil sa operasyon ng Lyka.

Sumikat ang Lyka matapos na maraming mga users nito ang nabibigyan ng mga gift cards in electronic mode o Gems sa pamamagitan ng digital points system na ito ay puwedeng gamiting pambili.