Binalaan ng Bureau of Internal Revenue ang mga celebrity at influencer na nagbebenta o nag eendorso ng ilegal vape products.
Ginawa ng ahensya ang babala matapos ang matagumpay na pagkakasakote nito ng aabot sa 5,385 illicit vape products mula sa Philippine Vape Festival 2024.
Kaugnay nito , hinikayat ni BIR Comm. Romeo “Jun” Lumagui Jr. ang mga celebrity at influence na iwasan ang pakikipag collab sa ganitong mga kumpanya.
Mas mainam rin na huwag nang lumahok o mag organisa ng kahalintulad na event ng Philippine Vape Festival 2024.
Tila kasi aniya sinusuportahan at tinutulungan nito ang mga kumpanya na nagbebenta ng illicit vape product.
Sa naging operasyon ng BIR, aabot sa tatlong stalls at tatlong delivery vans ang nadikubre nilang nagbebenta at naglalaman ng mga hindi rehistradong vape produkto.
Mahaharap naman ang mga ito sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code , kabilang ang Section 144 – Tobacco Products, Heated Tobacco Products, and Vapor Products. , Section 106 – Value-Added Tax on Sale of Goods or Properties, Section 146 – Inspection 248B – Civil Penalties, Section 249B – Interest, at Section 263 – Unlawful Possession o Removal of Articles Subject to Excise Tax Without Payment.