-- Advertisements --

Nagbabala ang mga Bureau of Internal Revenue (BIR) na kanilang sususpendihin ang mga online businesss na hindi rehistrado sa kanilang ahensiya.

Ito ang nakasaad sa kanilang Revenue Regulations 15-2024 na maari nilang isuspendi ang operasyon ng mga negosyo sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga closure o take-down order.

Sakaling sa mga kaso ng online business ay maaari nila itong gawi sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga websites, webpage, account, platform o app na ginagamit para magbenta ng mga produkto.

Maaari rin silang masampahan ng BIR ng kasong tax evasion laban sa mga negosyante sa ilalim ng Run After Tax Evaders program.