Bukas ang pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagpapatupad ng panukalang moratorium sa pagtataas ng excise tax sa mga tobacco products.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ito ay kung ng mga target na tax collection ng ahensya ay binago nang may batayan.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa naging pagdalo nito sa Tobacco International Summit.
Aniya , ang target collection ng ahensya na P3.23 trillion ay nakabatay sa taunang pagtaas sa kanilang tax rate.
Una nang ipinanukala ng Kongreso ang paglalabas ng moratorium para sa taunang pagtataas ng excise tax para sa mga tobacco products at sigarilyo.
Ito ay sa pamamagitan ng pagrebisa sa tax rate na dalawang porsyento para sa taong 2026, at apat na porsyentong pagtaas sa taong 2027.
Batay sa panukala, hanggang 2035 ang itataas ng tax rate para sa nasabing mga produkto.
Samantala, inamin ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang panukalang ito ay nangangailangan ng masusing pagsusuri.