-- Advertisements --

Hindi magbabago ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa desisyon na ibinigay nitong 90-araw na transitory period sa lahat ng mga online at digital providers na mag-comply sa bagong withholding tax systems.

Kasunod ito sa apela ng ilang digital finance service providers na mabigyan sila ng dagdag na oras para ma-update ang kanilang operating systems para maipatupad ito agad.

Nakasaad sa nasabing panuntunan ng BIR na lahat ng mga e-marketplace operator o digital service provider ay inatasan na bawasan ng 1 percent na withholding tax sa mga bentang naisagawa online.

Iginiit ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na 90 araw na palugit ay sapat na at hindi na kailangan pa ng anuma pamang extension.