-- Advertisements --

Walang balak ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na palawigin pa ang deadline ng paghahain ng taunang income tax returns sa darating na Abril 15.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, na mahalaga na dapat ay makapagsumite na ang mga taxpayers ng kanilang ITR bago ang deadline.

Dagdag pa nito na, wala ng kahirap-hirap ngayon ang pagbabayad dahil sa mayroon ng online filing gaya ng Electronic Filing and Payment System.

Sakaling walang internet access ay maari rin magtungo ang mga ito sa mga opisina nila kung saan mayroong tutulong sa kanila.