-- Advertisements --
bir 2021 06 04 19 23 09

Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na pagtingin pa ang pag-crackdown nito laban sa paglaganap ng ghost at pekeng resibo.

Ayon kay Sen. Gatchalian, ang nasabing mga aktibidad ay nakakaapekto sa revenues ng pamahalaan at sa micro-enterprises.

Sinabi din ng Senador na ang ghost receipt ay tumutukoy sa mga resibo na inisyu nang wala o kahina-hinalang transaksiyon. Ibig sabihin, walang actual sale na na nangyari subalit inisyuhan ng resibo. Habang ang pekeng resibo naman ay ang mga receipts na hindi awtoridsado ng BIR.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, ang kabuuang hakaga ng ghost receipts na inisyu ay umabot sa P1.3 trillion kung saan nawalan ng P370 billion revenues ang pamahalaan dahil sa paggamit ng ghost receipts ng ilang mga negosyo.

Samantala, nakapaghain naman na ang BIR ng mga kasong kriminal laban sa mga bumibili at nagbebenta ng ghost receipts.

Top