-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagkaroon na ng maiksing pilahan at mabilis na proseso sa huling araw ng paghahain ng Annual Income Tax Return (ITR) nitong Lunes.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr na ito ay dahil sa resulta ng ipinapatupad nilang digitalization.

Dagdag pa nito na marami na ang naghain ng kanilang ITR online at mas kaunti sa manual filing.

Bago aniya kasi ang last day nitong Abril 15 ay nasa 95 percent na ang mga naghain ng kanilang ITR.