Ikinatuwa ng Bureau of Internal Revenue ang pagkakapanalo sa reklamong inihain nila laban sa limang 5 Chinese national na sangkot sa illegal na sigarilyo.
Ito ay matapos na katigan ng Justice Department ang inihain nilang P5.7 bilyong tax evasion case laban sa mga akusado.
Ayon sa ahensya, naisumite na ng DOJ ang dalawang kaso sa Court of Tax Appeals.
Nag-ugat ang kaso matapos ang isinagawang operasyon ng BIR laban sa mga ilegal na sigarilyo noong nakalipas na taon.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Commissioner Lumagui, na ang kanilang pagkapanalo sa kaso ay nagpapakita lamang ng dedikasyon ng ahensya na matiyak na mananagot ang mga negosyanteng sangkot sa pagbebenta ng mga ilegal na sigarilyo sa bansa at hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.
Samantala, inihahanda na ng Court of Tax Appeals ang arrest warrant laban sa mga nabanggit na Chinese nationals.