Naglabas ang Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR) ng mga bagong tax update na nagre-regulate sa floor price ng Sigarilyo, Heated Tobacco, Vaporized Nicotine, at Non-Nicotine Products sa pamamagitan ng pag-isyu ng Revenue Memorandum Circular No. 49-2023 noong Mayo 5.
Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang BIR ay may mandato na magbbigay ng floor price ng sigarilyo, heated tobacco, vaporized nicotine, at non-nicotine products. Ang floor price o minimum retail price ng mga nasabing produkto ay ang kabuuan ng Production Cost o ang Total Landed Cost habang pinagsama ang kabuuang Excise Tax at Value-Added Tax (VAT) ng produktong tabako.
Binabalaan naman ng BIR ang mga matigas ang ulo ng mga nagbebenta ng mga produktong tabako sa mas mababang presyo kaysa sa pinagsamang Excise Taxes at VAT na ipinataw sa ilalim ng batas ay mahigpit na ipinagbabawal.
Ayon sa BIR, ang sinumang lumabag ay kakasuhan ng kaukulang multa sa ilalim ng mga kaukulang probisyon ng National Internal Revenue Code ng 1997.
Ayon kay BIR Assistant Commissioner Jethro Sabariaga na ang pagtaas ng floor price para sa mga sigarilyo ay dahil sa pag-aalok ng mga nagbebenta ng sigarilyo sa presyong mas mababa kaysa sa cost of production at excise tax.