-- Advertisements --

Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang electronic invoicing and issuance ng e-receipts sa ilang mga piling grupo ng 100 malalakling kumpanya ganun dina sa mga exporters.

Inilabas na ng BIR ang panuntunan ng e-invoicing sa ilalim ng two revenue regulations na inilabas at pinirmahan nidating finance secretary Carlos Dominguez III at dating BIR commissioner Caesar Dulay.

Bago kasi matapos ang kanilang termino ay tinanggal nina Dominguez at Dulay ang five-year validity period sa authority to print invoices at resibo.

Inirereklamo kasi ng mga taxpayers ang dagdag na bayarin sa pag-imprinta nila ng bagong set ng manual receipts.

Dinadahan dahan na rin ng BIR ang pagpapalawig ng nasabing e-invoicing kung saan ang mga negosyante ay magbibigay na rin ng mga electronic receipts sa kanilang mga customers na electronically mata-transmit ito sa sales reports sa BIR.