-- Advertisements --

Ilang daang halaga ng mga vape products na hindi rehistrado ang kinumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lungsod ng Marikina.

Pinangunahan ni BIR Commissioner Romeo Lomague ang pagkumpiska ng mga vape products kung saan nakitaan niya ng ilang paglabag ang may-ari ng establishimento.

Maging ang mga mamimili ng nasabing produkto ay hindi rin nakalusot kung saan sila ay kanilang sasampahan ng kaukulang kaso.

Pagtitiyak naman ng BIR commissioner na kanilang susuyurin ang buong bansa para masawata ang nasabing iligal na bentahan ng mga vape.