-- Advertisements --

Kinumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang vending machine sa loob ng commercial building sa Quezon City dahil sa pagbebenta ng mga iligal na vape products.

Ayon kay Atty. Jethro Sabariaga, Officer in Charge, Assistant Commissioner ng Large Taxpayers Service ng BIR, na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa ilang concern citizen kaya agad nila itong pinuntahan.

Nakita nila na hindi rehistrado ang makina at walang mga stamps ang mga ito.

Dahil dito ay kanilang kinumpiska ang buong vending machine kasama na ang mga laman nito.

Papanagutin nila ang may-ari ng gusali at maging ang may -ari ng nasabing vending machine.