Inihayag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na maglalabas sila ng revenue regulation para sa mga foreign digital services na may pananagutang magbayad ng Value Added Tax (VAT).
Ayon kay Commissioner Lumagui layunin ng hakbang para madetermina kung paano mag- rereport ng kanilang mga revenue ang mga dayuhang kumpanya na engaged sa digital services.
Siniguro naman ni Lumagui na madali para sa kanilang malaman ang totoong revenue status ng isang foreign company gayung nalalaman nila sa platform ang sales at transaksiyon nila.
Hindi lamang nila mamomonitor ito kundi mako- cross check din aniya nila ang payments at ilan pang transaksiyon.
Kapag may hindi tugma, tatawagan aniya nila ng pansin ang kinauukulang kumpanya habang may kapangyarihan din ang BIR na i- block ang kanilang platform o web site dahil sa kawalan ng compliance.
Sa kabilang dako, bukod sa pag block sa kanilang website, magpapatupad din ang BIR ng penalties at surcharges sa mga hindi nagco-comply na mga digital service providers.