Target ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipataw ang plano nitong mangolekta ng withholding tax na 1% mula sa mga partner na merchant ng online platforms sa Disyembre.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na tinatapos na ng taxman ang mga patakaran sa panukalang maningil ng creditable withholding tax na 1% sa kalahati ng kabuuang remittance ng online platform.
Ang withholding tax ay ang withheld amount ng isang negosyo sa mga pagbabayad ng mga kalakal o serbisyo na direktang ipinadala sa gobyerno sa ngalan ng mga supplier o empleyado.
Ayon sa kawanihan, target nila itong maipatupad sa buwan ng Disyembre o sa huling bahagi ng Enero 2024.
Upang epektibong mangolekta ng withholding tax mula sa mga online sellers, sinabi ni Lumagui sa mga operator ng mga online platform o marketplaces na siguraduhin na ito ay nakarehistro sa BIR.
Nangatuwiran ang BIR na sa paglaganap ng mga online transactions sa pagbebenta sa pamamagitan ng mga pasilidad ng mga online platform provider, nagkaroon ng pangangailangan na samantalahin ang pagkakataon upang matukoy ang mga nagbebenta ng mga kalakal at serbisyo na, samakatuwid, obligadong ideklara ang kanilang income para sa nasabing pagpapataw ng tax.