-- Advertisements --

Mahigpit pa rin na binabantayan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang iligal na bentahan at smuggling ng mga imported na sigarilyo sa bansa.

Itinuturing nila na laganap ang nasabing aktibidad sa Subic freeport zone base na rin sa magkakasunod na pagkakakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).

Sinabi ni Bureau of Finance Secretary Carlos Dominguez III na may mga nakabantay silang mga tauhan sa lugar para matigil na ang nasabing iligal na gawain.

Magugunitang noong nakaraang mga operasyon ng BOC at NBI ay nakakumpiska ang mga ito ng mga makina na gumagawa ng mga iligal na sigarilyo.

Dagdag pa ni Dominguez na hindi lamang sa Subic laganap ang iligal na paggawa ng sigarilyo at maging sa ibang mga bahagi ng bansa.