-- Advertisements --
May binuo na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na Task Force para mag-audit sa mga social media influencers ng kanilang tax compliance.
Sa ginanap na Tri-Comm hearing ng House of Representatives sinabi ni Atty. Ron Mikhail Uy na kanilang babantayan ang mga social media influencers kung nagbabayad ang mga ito ng tamang buwis.
Sinulatan na rin aniya nila ang mga ito para tumugon sa nasabing audit.
Aminado ito na hirap silang makita ang mga ito dahil sa magkakaiba ang kanilang mga tunay na pangalan.