-- Advertisements --

Naglabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR)ng bagong listahan ng mga value-added tax (VAT) exempted na gamot para sa iba’t-ibang sakit gaya ng diabetes at hypertension.

Sa bagong revenue memorandum circular, inaprubahan ng BIR ang listahan ng 12 percent VAT-exempt products sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law and the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act.

Inilabas ng BIR ang listahan matapos ang endorsement ng Food and Drug Administration ng Department of Health ang mga listahan.

Sakop ng circular ang mga gamot para sa hypertension, mental illness, diabetes at high cholesterol.

Nasa walong gamot ang idinagdag sa listahan kung saan apat dito ay para sa diabetes.

Mayroon dalawang uri ng gamot para sa high cholesterol at tig-isa sa mental illness at hypertension.

Magugunitang noong Disyembre ng nakaraang taon ng isinima ng BIR ang 16 na VAT exempt na gamot para sa cancer, diabetes at mental illness.