-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue ang mga kandidato ngayong eleksyon na tiyaking hindi makakaligtaan ang tamang pagbabayad ng buwis.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ,kinakailangang mag isyu ang mga kandidato ng kanilang mga resibo para sa kanilang ginagamit na donasyon, campaign materials, at iba pang gastusin sa pangangampanya.

Ginawa ng opisyal ang panawagan kasabay ng pagsisimula ng campaign period ngayong araw sa bansa para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Lumagui, kailangan na maglagay ito ng withhold tax sa kanilang mga kapartner na supplier para sa kanilang mga campaign posters at advertisement.

Giit ng opisyal, paglabag sa tax code ang pag isnab sa pagbabayad ng buwis .

Tiniyak ng opisyal na masusi nilang binabantayan ang mga tax compliance ng mga social media influencer na matutukoy na mag eendorso ng kandidato ngayong halalan.