Inilabas na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang guidelines para sa implementasyon ng vape law.
Ang Revenue Regulations No. 14-2022 ay tatayo bilang implementing rules ang regulations (IRR) para sa Republic Act No. 1190 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulations Act.
Nakasaad sa BIR regulation sna magiging P131.04 ang floor price ng 0.7 millilliters (ml) ng pod ng nicotine.
Habang ang 1.8 ml ay may minmum price P306.88 at ang 1.9 ml nicotine salts ay nagkakahalaga ng P318.08.
Ang floor price naman ng 15-ml bote ng conventional freebase nicotine ay nagkakahalaga ng P207.2 at ang mas malaking bote na 30 ml na classic nicotine ay P352.8 bilang minimum.
Sinabi ni BIR East NCR director Edgar Tolentino na ang nasabing guidelines ay makakatulong para sa ekonomiya at matiyak ang kalusugan ng mga minor de edad.
Patuloy din ang kanilang paghabol sa mga iligal na nagbebenta ng mga vape sa bansa.
Mula pa kasi noong 2019 ay nakakulekta na ang BIR ng P15.3 bilyon na buwis mula sa vape.