-- Advertisements --
Nanawagan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga e-sabong operators at kahalintulad nito na magbayad ng tam ng kanilang buwis.
Kasunod ito sa ginawang pagdinig sa Senado kung saan lumabas na kumikita ang mga ito ng bilyong halaga.
Sa inilabas na revenue memorandum circular ni BIR Commissioner Caesar Dulay ay inilista nito ang pagbubuwis sa mga e-sabong na regulated ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).
Pumatok aniya ang electronic sabong dahil sa ipinatupad na lockdown noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Dulay na dapat magbayad ng 12 percent value-added tax ang mga PAGCOR licensed at accredited gaming operators.
HInikayat din nito na lahat dapat ng mga e-sabong sa bansa ay dapat naka-rehistro sa BIR.