-- Advertisements --

Nagpatupad ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng adjustments sa presyo ng mga sigarilyo at vape.

Sa bagong memorandum circular ng BIR na ang floor price ng isang pakete ng sigarilyo ay P114.60 habang ang isang ream ay aabot na sa P1,146.

Ang minimum price naman ng isang pakete ng heated tobacco products ay nagkakahalaga na ng P120.40 at para sa mga vapor products na ang pod ng nicotine salt ay nagkakahalaga na ng P200 para sa 2ml at P354.97 para sa 4ml.

Ang isang bote naman ng conventional freebase o classic nicotine ay nagkakahalaga ng P179.20 sa kada 10ml at P403.20 sa bawat 30 ml.

Paliwanag ng BIR na ang bagong floor price o minimum retail price ay ibinase sa sum of production o total landed coast at ang total ng excise tax at value added tax (VAT) ng mga tobacco product.

Nagbabala naman si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na may karampatang kaparusahan ang sinumang magbebenta ng tobacco products sa mas mababang presyo ng pinagsamang excise at VAT na ipinapatupad.