-- Advertisements --
Nahigitan ng Bureau of Internal Revenue ang halaga ng buwis na kanilang nakulekta noong buwan ng Abril.
Base sa datos na aabot sa P336,020 bilyon ang halaga ng buwis na nakulekta noong Abril o mas mataas ng 11.67% sa kanilang tax collection target.
Ang nasabing halaga ay mas mataas ng mahigit 40% o katumbas ng P96 bilyon ang itinaas noong Abril 2022.
Isa aniya sa naging sanhi ng mataas na koleksyon ng buwis ng BIR ay dahil sa pagdami ng mga mamamyaan ang tumatalima sa pagbabayad ng tamang buwis.
-- Advertisement --
Umaasa rin ang BIR na kanilang maabot ang target na tax collection ngayong 2023 na nagkakahalaga ng P2.599 trilyon.