-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang malaking nakulekta nila sa pagpapatupad ng excise stamps sa mga vape products.

Sinabi ni BIR commissioner Romeo Lumagui Jr, na aabot na sa P1-bilyon ang halaga ng excise stamps ang kanilang nakulekta mula ng atasan nila ang mga vape sellers na gamitin ito.

Bagamat malaki na ang nasabing halaga ay nakukulangan pa rin si Lumagui dahil sa batid niyang marami pa rin ang mga iligal vape products ang nagsipagkalat sa bansa.

Dahil dito ay pinapaigting nila ang ginagawa nilang paghahabol at pagkumpiska sa mga iligal na vape products sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Nitong buwan lamang ng Oktubre ay mayroong 500 na iligal na vape retailers at resellers ang kanilang mga nakasuhan.