-- Advertisements --
Nanindigan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi na nila papalawigin pa ang April 15 deadline ng pagbabayad ng annual income tax return (ITR).
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na ang nasabing deadline ay siyan kabuuang transaction ng mga taxpayers noong nakaraang taon.
Mula pa aniya noong Pebrero ay kanilang isinusulong ang nasabing pagbabayad ng buwis sa Abril 15.
Umaasa ang BIR na makakakulekta sila ng dagdag na buwis na P400 bilyon ngayong buwan.
Ipinaalala pa nito sa mga taxpayers na magbayad sa tamang oras para maiwasan ang anumang multa.