Naniniwala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na makakalikom sila ng nasa P20 bilyon na kita mula sa franchise tax collection dahil sa patuloy na paglago ng mga electronic games.
Ayon kay Finance Assistant Secretary Karlo Adriano, na sa kaniyang pagtaya ay magkakaroon ng mula P15 hanggang P20 bilyon na makukulekta ang BIR mula sa limang porsyentong franchise tax ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) e-games licensees.
Ang nasabing halaga ay nasa 13 hanggang 50 porsyento na pagtaas mula sa nakaraang taon na collection na aabot sa P13.3-B sa buwan ng Enero hanggang Hulyo na nakulektang e-games franchise tax na P10.7-b.
Lahat kasi ng kita mula sa anumang gaming operation, kabilang ang e-games ay kinokolektahan ng limang porsyentong franchise tax na direktang binabayaran sa BIR.