Pinalalakas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang mga aktibidad sa pagpapatupad upang labanan ang iba’t ibang uri ng tax-dodging issues.
Ito ang ibinunyag ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. matapos humarap sa mga abogado ng legal group na dumalo sa tax fraud seminar bilang paghahanda sa nalalapit na heightened enforcement operations.
Sinabi ni Lumagui na ang mga taxmen ay hindi lamang dapat tumutok sa mga nagbabayad ng buwis.
Aniya, dapat ding labanan ang mga sindikato na gumagawa ng mga pekeng resibo at invoice at pagbebenta ng mga ito sa mga merchants.
Ang pagpapalakas sa pagpapatupad ng aktibidad ay tiyak na magpapahusay aniya sa boluntaryong pagsunod ng mga indibidwal na siyang pinagmumulan ng humigit-kumulang 97 percent ng taunang kabuuang collection ng i Bureau of Internal Revenue.