-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga taxpayers na maghain ng kanilang income tax returns sa Abril 15.

Sinabi BIR Deputy Commissioner for Legal Affairs Marissa Cabreros, na dapat agahan ang paghahain ng ITR para hindi sila mapatawan ng karampatang parusa.

Ilan sa mga penalties ay ang pagpataw ng 25 percent surcharge, 12 percent interest per annum at compromise penalty.

Paglilinaw naman ni Finance Assistant Secretary Antonio “Tony” Lambino na mahalaga ang nasabing pagbabayad ng buwis dahil dito kinukuha ang pagpopondo sa mga mahahalagang proyekto ng bansa.