Nagdoble kayod na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para matugunan ang pagdagsa ng mahigit 138,000 na Chinese workers na empleyado ng Philippine offshore gaming operators (POGO).
Ito ay matapos atasan ang mga Chinese workers na dapat kumuha sila ng tax identification numbers.
Sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, na hindi sapat ang walong oras para sa nasabing bilang ng mga dayuhan na kumukuha ng TIN kaya kanila na itong pinaghahandaang mabuti.
Sisimulan ng iproseso ng BIR ang TIN applications ng mga Chinese workers base na rin sa kanilang masterlists.
Umaasa naman ang Department of Finance na makakulekta sila ng hanggang P2 billion na mga buwis mula sa mga POGO Chinese workers ganun din ang P4 billion sa mga buwis na hindi nabayaran noong mga nagdaang taon.