-- Advertisements --

Binaalan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga social media influencer na hindi nagbabayad ng tama ng kanilang mga tamang buwis.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa na nasa proseso na sila sa pagkilala ng mga tax-evading influencers.

Base sa kanilang programang Run After Tax Evaders (RATE) program na ang mga hindi mapapatawan ng multang mula P500,000 hanggang P10 milyon ang mga hindi magbabayad ng tama ng kanilang buwis.

Nakasaad naman sa memorandum na inilabas ni BIR Commissioner Caesar Dulay na may ilang social media influencers na kumikita ng malaking halaga ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Gaya ng ibang mga tax payers ang mga influencers ay tila nasa marketing at sales na rin kaya nararapat na magbayad ng kanilang business taxes gaya ng 12 percent value added tax.

Mang mga dayuhan ay kailangan na magbayad din ng kanilang mga social media earnings.