-- Advertisements --
image 627

Inanunsiyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na pinayagan nito ang paghahain at pagbabayad ng annual income tax return (AITR) noong 2022 kahir saang lugar nang walang penalty para mapalawig ang kanilang serbisyo.

Ito ay kasunod ng inilabas na Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 32-2-2023. na nagpapahintulot sa taxpayers na mabayaran ang kanilang etax dues saan mang lugar sa mismo o bago ang Abril 17, 2023 nang walang ipinapataw na penalty para sa maling venue filing.

Paliwanag ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. na layunin nito na mabigyan ang bawat taxpayer ng panahon na makapaghain at mabayaran ang tamang buwis sa kanilang most convenient time at lugar nang walang ipinapataw na penalties.

Sinabi din ng BIR na kailangang gamitin ng taxpayers ang Electronic Filing and Payment System (eFPS) sakaling maghain ng kanilang annual tax returns electrnically at magbayad ng kanilang taxes due sa pamamagitan ng Electronic Filing and Payment System-Authorized Agent Banks (AABs) kung saan sila naka-enrol.

Subalit maaari namang gamitin ng mga taxpayer ang eBIRForms sa paghahain ng kanilang annual ITR.

Para sa taong 2023, ayon sa BIR official target na makakolekta ng ahensiya ng P2.6 trillion buwis.