Tuluyan nang binuksan ng Bureau of Internal Revenue ang Electronic Filing (eFiling)/Tax Assistance Center sa BIR National Training Center sa lungsod ng Quezon.
Layon nito na maasistehan ang mga taxpayer para sa pag-aasikaso ng kanilang 2023 Annual Income Tax Return.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na nag set up na sila ng mga desktop computers sa naturang assistance center.
Ito ay maaaring magamit ng mga tax payers sa pag file nito ng Electronic BIR Forms.
Kaugnay nito, inanunsyo ng BIR na ang kanilang Tax Assistance Center ay bukas hanggang Abril 15 ng kasalukuyang taon mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Inatasan na rin ng ahensya ang mga authorized agent banks na magbigay ng serbisyo at operasyon sa dalawang sabado bago ang nakatalang deadline ng pagsusumite ng ITR sa darating na Abril 6 at April 13.
Una nang sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang mga hakbang na ito ng ahensya ay layuning mapadali ang pagbabayad ng buwis.