Mahigpit na ngayong inatasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga online seller at mga kahalintulad na negosyo na gumagamit ng digital o electronic platform na iparehistro ang kanilang negosyo.
Ito ang naging lamang sa inilabas na Revenue Memorandum Circular 60-2020 kung saan para matiyak na sumasang-ayon ang kanilang negosyo sa probisyon na nakasaad sa section 236 o Tax Code.
Dapat din aniyang ideklara ang paraan ng kanilang pagbabayad, ginagamit na internet service providers at iba pang mga facilitators.
Nagbigay ang nasabing ahensiya ng hanggang Hulyo 31, 2020 na dapat irehistro ng mga online seller ang kanilang negosyo para maiwasan nila ang pagbabayad ng multa.
Magugunitang mula ng magpatupad ng community quarantine sa bansa dahil sa coronavirus pandemic ay dumami ang online selling.