Target ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na makakolekta ng ₱3 trilyon ngayong taon.
Ito ay isang malaking pagtaas mula sa P2.6 trilyon na kabuuang koleksyon noong 2023.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na magpapatuloy ang ahensya sa pagpapatupad ng mga aktibidad tulad ng pag-aresto at pagsasampa ng mga kaso laban sa mga sangkot sa ipinagbabawal na kalakalan.
Kabilang na dito ang mga sigarilyo, vape products at ghost receipts dahil malaki ang nawawalang revenue collection ng BIR dulot ng nasabing mga iligal na produkto.
Sinabi ng BIR na palalawakin din nito ang digital transformation nito para sa mas mahusay na revenue collection system sa ahensya.
Nauna nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Ease of Paying Taxes Act, na naglalayong gawing simple ang proseso ng paghahain ng buwis para sa mga maliliit at katamtamang negosyo at gawing moderno at i-update ang taxation system ng bansa.