-- Advertisements --
Tinanggal na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang closure order laban sa mga offshore gaming operators dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.
Sinabi ni BIR chief Cesar Dulay, pumayag na ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Great Empire Gaming and Amusement Corp na bayaran ang P250 million na balanse ng hanggang sa katapusan ng Disyembre.
Ang Great Empire ay may mga opisina sa Subic, Quezon City at Paranaque na mayroong 8,100 foreign employees.
Magugunitang ipinasara ang operasyon nito noong Setyembre 25.