-- Advertisements --

Target ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na makakulekta ng mataas na excise tax ng hanggang P338 bilyon ngayong taon.

Ayon sa BIR na nagkaaroon ng improvement sa regulatory environment at patuloy na tinutugunan din ng gobyerno ang mga iligal na pagbebenta ng mga tobacco products.

Sa nasabing target ngayon taon aniya ay mas mataas ito ng 11 percent kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang na P303-B.

Itinakda ito ng Cabinet-level Development Budget Coordination Committee.

Ang excise tax ay levy sa production, sale at pagkonsumo ng mga produkto na ito ay nagkokontribute sa 12 percent ng kabuuang collection ng BIR.