-- Advertisements --

Ipagpapatuloy pa rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagkulekta ng mga buwis sa mga dayuhan na karamihan ay mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operators (Pogo).

Ito ay kahit nagpahayag ang Chinese Embassy sa Manila na ang online gambling ay iligal sa mainland China.

Ayon kay Department of Finance (DoF) Secretary Carlos Dominguez III, na hindi sila magsususpendi ng pagbibigay ng mga tax identification numbers sa mga dayuhan.

Paglilinaw nito na ipinapatupad lamang nila ang nakasaad sa tax code.

Magugunitang naglabas ng pahayag ang Chinese Embassy na lahat ng uri ng sugal ay mahigpit na pinagbabawal sa mga Chinese.