-- Advertisements --
egg itlog palengke

Itinuturing na dahilan ng Department of Agriculture (DA) sa pagtaas ng presyo ng itlog sa bansa ang pagtama ng bird flu o avian influenza na isang respiratory disease ng mga ibon dulot ng influenza A virus.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, kasalukuyan pa lang nagrerekober ang bansa mula sa nasabing sakit.

Sinabi naman ng Bureau of Animal Industry (BAI) na kadalasang mababa ang produksyon ng mga itlog tuwing malamig ang panahon.

Sa kabila nito, ayon kay Estoperez mahigpit na binabantayan ng agriculture department ang presyo ng mga itlog sa mga pamilihan.

Batay sa price monitoring ng agriculture department noong Enero 12, nagkakahalaga ng P7 hanggang P9 ang presyo ng medium-sized na itlog sa Metro Manila.

Ang regular-sized naman na itlog ay nasa P10 kada piraso sa ilang palengke sa metropolis.

Binigyang-diin naman ng DA official na maging ang mga lokal na producer ng itlog ay umamin na magtatagal pa na makabangon ang industriya ng itlog kasunod ng epekto ng pagtama ng sakit na bird flu.

Nauna rito, sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG president Rosendo So na nagkaroon ng kakulangan sa itlog sa bansa matapos tamaan ng bird flu ang ilang lalawigan katulad ng Bulacan at Pampanga.