Nagpositibo ang blood sample mula sa Barangay San Nicolas, Talisay sa Bird Flu o Highly Pathogenic Avian Influenza.
Ayon sa Bureau of Animal Industry, ang sample ay mula sa isang itikan sa nasabing bayan.
Ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng PDRRMO, DOH at lokal na pamahalaan ng Talisay ay nagtutulong-tulong upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Nabatid na ang Bird Flu ay isang viral disease na maaaring makahawa sa tao, kaya pinapayuhan ang lahat na mag-ingat.
Dapat umanong ipaalam agad sa mga otoridad ang anumang hindi pangkaraniwang pagkamatay o pagkakasakit ng ibon.
Ligtas pa rin namang kumain ng karneng manok basta’t ito ay mula sa lehitimong tindahan at kinatay sa poultry dressing plant.
Pinapayuhan naman ang publiko na iwasang magpakalat ng hindi berepikadong impormasyon upang maiwasan ang takot at alalahanin ng publiko.