-- Advertisements --

Nakaabot na sa unang pagkakataon ang avian influenza o bird flu sa sub-antarctic na isla sa Georga.

Nadiskubre ng ilang scientist ng naturang bansa ang pagpasok ng virus, noong nagsagawa sila ng test sa isang patay na elephant seal.

Ilan din ang elephant seals, fur seals, brown skuas, kelp gulls at Antarctic terns sa mga nadiskubreng biktima ng avian influenza sa naturang lugar.

Mabilis na naipapasa ang H5n1 sa mga mammal species.

Noong nakaraang linggo lamang, naitala ang kauna-unahang polar bear na namatay dahil sa nasabing virus. Maaaring naipasa sa polar bear ang H5N1 matapos makakain ng namatay na ibon na may dala-dalang virus, ayon sa isang polar bear biologist,

Samantala, wala namang naitalang bird flu sa mga penguins na pinaka-tanyag na uri ng hayop na makikita sa nasabing rehiyon.