Muling nagbabala ang Bureau of Internal Revenue sa mga nagbebenta ng ilegal na vape products at mga tumatakas sa bayarang buwis.
Ginawa ng ahensya ng pahayag matapos nitong salakayin ang inorganisang Philippine Vape Festival 2024 na ginanap sa Las Piñas.
Mula sa naturang operasyon , nasamsam ng BIR ang ibat-ibang uri ng iligal na vape products .
Personal na nagtungo si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., at BIR Illicit Trade Task Force sa naturang venue at pinangunahan ang operasyon
Ayon kay Lumagui, walang Internal Revenue stamps ang naturang mga produkto batay sa kanilang isinagawang surveillance.
Ibig sabihin , karamihan sa mga ito ang hindi sumusunod sa tamang pagbubuwis na malinaw na paglabag sa batas.
Tiniyak rin ng ahensya na magpapatuloy ang ganitong operasyon laban sa mga ilegal na nagbebenta ng buwis habang siniguro nito na mapapanagot silang lahat sa batas.
Hinikayat rin ng ahensya ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga indibidwal na nagbebenta ng ilegal na produkto kagaya ng vape.