Nagpahayag ng buong suporta ang Bureau of Internal Revenue sa kapapasa pa lamang na bagong batas na lalaban sa kaso ng agricultural smuggling at hoarding sa bansa.
Kung maaalala, pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act (R.A.) No. 12022 o mas kilala sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Ayon sa BIR, nakahanda silang mag deploy ng kanilang mga tauhan para sa pagpapatupad ng mga kaukulang measure nito.
Sinabi ng ahensya na kabilang na ang naturang batas sa mga isinasagawa nilang aktibidad para sugpuin ang ipinagbabawal na kalakalan sa Pilipinas.
Ikinatuwa naman ng mga magsasaka ang naging pasya ng Pangulong Marcos Jr. na pirmahan ang naturang panukala para maging ganap na batas.
Anila, ito ay makatutulong ito para tuluyang mapanagot ang mga traider na nananamantala sa kanila ng matagal ng panahon.