-- Advertisements --
talisay
Gazini and Gray/Bb. Pilipinas Twitter image

DIPOLOG CITY – Labis ang kasiyahan ng mga taga-Dapitan City matapos ang pagkapanalo ni Gazini Ganados sa ginanap na coronation sa Binibining Pilipinas nitong Linggo ng gabi.

Napag-alamang si Ganados ay ipinanganak at nag-aral ng elementarya sa Dapitan City bago lumipat ang kanilang pamilya sa Talisay, Cebu.

Sa panayam ng Star FM Dipolog kay Apple Marie Agolong, City Tourism Officer ng Dapitan, sinabi nitong masaya ang buong local government unit (LGU) sa nakamit na tagumpay ni Ganados at handa silang magbigay ng victory party sakaling bibisita ito.

Katunayan, plano na nila na muling imbitahan si Gazini para maging judge sa isang event sa nalalapit na kapiyestahan para maisabay ang pagbigay ng pagkilala sa kanya.

Sa ngayon ay nagpaabot na ng kanilang pagbati ang LGU-Dapitan at excited na sa possibleng pagbisita nito sa lugar.