BAGUIO CITY – Inihayag ni Sylvia Laudencia, ang Civil Registrar ng Local Civil Registry ang pagbaba ng birth registration sa lungsod ng Baguio.
Aniya, nakapagtala ang mga ito ng 4,660 na bilang ng sanggol mula sa buwan ng Enero hanggang sa buwan ng Hunyo sa taong kasalukuyan.
Mas mababa ito ng pitong porsyento hanggang walong porsyento mula sa bilang ng mga sanggol na naipanganak noong nakaraang taon.
Base sa datos ng Local Civil Registrar, aabot sa 10,040 ang naitalang live births kung saan aabot sa 98 na porsyento ang ipinapangak sa ilang ospital sa lungsod habang dalawang porsyento naman ang ipinapanganak sa mga tahanan.
Dagdag pa ni Laudencia, base sa mga nakarehistrong sanggol ay 52.33% sa mga ito ay lalaki habang 47.77% ang babae.
Ipinaliwanag niya na ipinapakita lamang nito ang tumataas na bilang ng mga ipinapanganak na lalaking sanggol kaysa sa mga babaeng sanggol.